Ang pahayag ay kaugnay sa nalalapit na plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL at May 2019 midterm elections.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, ang CAFGU ay “under supervision” o nasa kontrol ng AFP commanders.
Mahigpit aniya ang bilin na hindi dapat magagamit ng mga politiko o sa plebisito ang mga miyembro ng CAFGU.
Ibig sabihin ni Madrigal, sisiguraduhin nila na “non-partisan” ang mga CAFGU member.
Sa ngayon, ani Madrigal, ay wala pa namang patunay ukol sa alegasyon nagagamit ang CAFGU ng mga lokal na politiko.
Pero kapag nadiskubreng sangkot ang sinumang taga-CAFGU sa mga politiko, sinabi ni Madrigal na papatawan ng nararapat na parusa.