AFP parurusahan ang sinumang taga-CAFGU na magpapagamit sa politiko

By Isa Umali January 10, 2019 - 12:58 PM

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o AFP na mahaharap sa parusa ang sinumang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU na mapapatunayang nakikisawsaw o magpapagamit sa local politics.

Ang pahayag ay kaugnay sa nalalapit na plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL at May 2019 midterm elections.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, ang CAFGU ay “under supervision” o nasa kontrol ng AFP commanders.

Mahigpit aniya ang bilin na hindi dapat magagamit ng mga politiko o sa plebisito ang mga miyembro ng CAFGU.

Ibig sabihin ni Madrigal, sisiguraduhin nila na “non-partisan” ang mga CAFGU member.

Sa ngayon, ani Madrigal, ay wala pa namang patunay ukol sa alegasyon nagagamit ang CAFGU ng mga lokal na politiko.

Pero kapag nadiskubreng sangkot ang sinumang taga-CAFGU sa mga politiko, sinabi ni Madrigal na papatawan ng nararapat na parusa.

TAGS: AFP, BOL, cafgu, elections, AFP, BOL, cafgu, elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.