Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng hindi rehistradong brand ng digital thermometer.
Sa abiso ng FDA, ang Baby One Digital Thermometer ay natuklasang hindi dumaan sa registration process ng ahensya.
Dahil dito, hindi rin ito naisyuhan ng authorization para mailabas sa merkado.
At dahil hindi rehistrado sinabi ng FDA na ang pag-import, paggawa, pagbebenta at pag-distribute nito ay ipinagbabawal.
Hindi rin umano magagarantiya ng FDA ang kaligtasan at kalidad ng naturang produkto dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.
READ NEXT
Apat na private emission testing center, sinuspinde ng DOTr dahil sa pamemeke ng emission test result
MOST READ
LATEST STORIES