Apat na private emission testing center, sinuspinde ng DOTr dahil sa pamemeke ng emission test result
Pinatawan ng suspensyon ng Department of Transportation (DOTr) ang apat na private emission testing centers dahil sa mga paglabag.
Kabilang sa pinatawan ng suspensyon ang Lucena Grand Service Station Inc. sa Brgy. Ilayang Dupay sa Lucena City; MCRB Emission Testing Center sa Naguilian Road, Baguio City; One Eighteen Pollution Test Services – Maramag Branch sa South Poblacion, Maramag, Bukidnon; at ang Iprotek Emission Testing Center sa Malaybalay City, Bukinon.
Ayon sa DOTr, batay sa isinagawang pagsisiyasat ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES) natuklasang pinepeke ng naturang mga emission testing center ang resulta ng ginagawa nilang emission test sa mga sasakyan.
Epektibo ang suspensyon simula kahapon, Jan. 9 at tatagal ito ng 90 araw.
Inabisuhan din ng DOTr ang mga IT Service Provider na maari silang maharap sa parusa kapag nagpatuloy sa pagproseso ng mga datos na galing sa mga suspendidong emission centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.