Hudyat ito ng pagsisimula ng 454th Fiesta Señor na bahagi ng Sinulog Festival.
May mga deboto din na may bitbit na imahe ng Sto. Nino habang nagro-rosaryo at umaawit para sa “Walk of Jesus” procession.
Ayon sa Cebu City Police Office, aabot sa 300,000 na deboto ang dumalo sa prusisyon patungo ng Basilica Minore del Sto. Nino kung saan naman ginanap ang unang novena.
Mas marami ito kumpara noong isang taon na umabot lamang ng 80,000.
Sa kanyang homiliya, sinabi ng rector ng Basilica na si Fr. Pacifico Nohara, Jr, na ang ang bilang ng mga taong gumising ng maaga at nakiisa sa prusisyon at misa ay patunay lamang ng kanilang debosyon sa batangh Hesus.
Sa kahilingan na rin ng mga pari, ipinagbawal ang mga fireworks at mga palamuting lobo sa dadaanan ng prusisyon para na rin sa kaligtasan ng mga deboto at mapanatili ang solemnity o kataimtiman ng okasyon.
Ang tema ngayong taon ay ang “Sto. Nino: Guide of God’s Children to Service and Humility ” na naayon na rin sa Year of the Youth celebration ng simbahang katolika.
Mula naman ngayong araw hanggang sa January 20 ay bubuksan ang Basilica sa loob ng 22 na oras para sa mga deboto ng Sto. Nino at magkakaroon din ng araw-araw na misa.