LOOK: Sunog sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 11:32 AM SHARE(S):

Tinupok ng apoy ang ilang mga kabahayan sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog alas 8:15 ng umaga sa bahagi ng Welfareville Compound.

Ayon sa Mandaluyong City Fire Department umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog na agad ding naapula alas 9:11 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung ilang pamilya ang naapektuhan.

TAGS: Addition Hills, fire incident, Mandaluyong City, Addition Hills, fire incident, Mandaluyong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.