Welcome dinner para sa APEC leaders nagsimula na sa MOA

By Den Macaranas November 18, 2015 - 08:26 PM

 

APEC-dinner-setup
Instagram/Kenneth Cobonpue

Isang engrandeng Filipino ambiance ang sumalubong sa mga economic leaders kaugnay sa welcome dinner na kasalukuyang ginaganap sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ang international designer na si Kenneth Cobonpue ang nanguna sa pagsasagawa ng desenyo na kanyang ibinase sa Banaue Rice Terraces.

Bukod sa mga pagkaing pinoy na kasama sa menu, haharanahin din ng mga kilalang Pinoy performers ang mga delegado ng APEC.

Isa-isa namang dumating ang mga economic leaders suot ang kanilang bagong piña-barong na ginawa ni Paul Cabral.

Habang ginaganap ang pagtitipon sa MOA ay isasara naman sa daloy ng trapiko ang kahabaan ng Macapagal Blvd. pati na rin ang mga side streets sa paligid ng Aseana area.

Bago nagsimula ang pagtitipon ay nagkaroon pa ng pagkakataon si Pangulong Noynoy Aquino na pasalamatan ang mga performers kasabay ang tagubilin na galingan nila ang pagtatanghal.

 

TAGS: apec, Aquino, MOA, welcome dinner, apec, Aquino, MOA, welcome dinner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.