Mga produktong agrikultura kinumpiska sa Davao Airport
Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mga produktong agrikultura na dala ng mga pasaherong lumapag sa Davao Airport.
Ilan sa mga produktong ito ay gulay, prutas at karne gaya ng oranges, chili, spring onions, sibuyas, ponkan parsley, at mga frozen na karne ng pecking duck, manok, baboy, baka at iba pang processed meat.
Sa report ni District Collector Atty. Romalino G. Valdez ang mga kinumpiskang produkto ay galing sa China, Hong Kong, United States, Canada, China, Australia St Singapore.
Wala aniyang clearance ang mga kinumpiskang produkto na ligtas at dumaan sa pagsusuri.
Ipauubaya na ng BOC sa Bureau of Quarantine ang pagsusuri sa mga nasamsam na produkto na idi-dispose na rin ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.