Top 4 na pelikula sa katatapos na MMFF inanunsyo na

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 10:15 AM SHARE(S):

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang mga pelikulang nanguna sa katatapos na MMFF.

Ayon kay MMFF chairman at MMDA chairman Danny Lim, ang top 4 ay ang Fantastica, Jack Em Popoy, Aurora at Mary Marry Me.

Sinabi rin ni Lim na susuportahan ng MMFF committee ang pelikulang ‘Rainbow’s Sunset’ para magkaroon ito ng international screenings.

Katunayan sa Marso, ang ‘Rainbow’s Sunset’ aniya ay makakalahok sa film festival sa Amsterdam.

Excited naman si Lim para sa MMFF 2019 na makakasabay sa centennial celebration ng Philippine Cinema.

TAGS: Aurora, Fantastica, Jack Em Popoy, Mary Marry Me, MMFF, Aurora, Fantastica, Jack Em Popoy, Mary Marry Me, MMFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.