Dating RCBC bank manager hinatulang guilty sa money laundering kaugnay sa $81M Bangladesh Bank heist

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas January 10, 2019 - 09:39 AM

Hinatulang guilty sa money laundering ng mababang korte ang dating bank manager ng RCBC na si Maia Deguito.

Ang kaso ay kaugnay sa pagkakasangkot ni Deguito sa $81-million funds na nanakaw ng mga hacker mula sa Bangladesh Bank noong 2016.

Sa desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 149, si Deguito ay hinatulan ng 4 hanggang 7 taon na pagkakabilanggo sa bawat walong bilang ng kasong money laundering.

Ang desisyon ay ibinaba ni Judge cesar Untalan kung saan inaatasan din si Deguito na magbayad ng $109 million.

Si Deguito ay nasangkot sa bank heist noong 2016 matapos lumitaw sa imbestigasyon na ang mga nanakaw na pera sa Bangladesh Bank ay napunta sa Pilipinas.

Ang pera ay naideposito sa foreign currency accoutns sa RCBC, naiconvert sa Peso at naipamahagi sa junket operators at sa mga casino.

TAGS: $81M Bangladesh Bank heist, Maia Deguito, RCBC, $81M Bangladesh Bank heist, Maia Deguito, RCBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.