Walang outbreak ng meningococcemia sa Quezon City ayon sa lokal na pamahalaan

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 08:43 AM

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na walang outbreak ng sakit na meningococcemia sa Novaliches.

Ayon kay Dr. Olivia Favor, medical director ng Novaliches District Hospital, hindi totoo ang mga balitang may outbreak ng nasabing sakit.

Ginawa ang paglilinaw matapos ipatupad ang temporary shutdown sa emergency room ng nasabing ospital bilang bisafety measure matapos dalhin doon ang isang 11 anyos na batang lalaki noong Jan. 4.

Hinihinalang meningococcemia ang sakit ng bata kaya agad itong inilipat sa isang specialized government healthcare facility at inilagay sa isolation room.

Sinabi ni Favor na normal preventive measure ang ginawang shutdown sa emergency room pero hindi naman ito nangangahulugan na may outbreak na ng sakit.

24 oras aniya na isinara ang emergency room para sumailalim sa decontamination upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sakaling totoo nga na may meningococcemia ang bata.

Ang mga pasyente at mga medical staff na nasa ospital noong Jan. 4 ay nabigyan na rin ng preventive treatment.

TAGS: Health, meningococcemia, novaliches district hospital, Radyo Inquirer, Health, meningococcemia, novaliches district hospital, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.