“Performer of the Year 2018” sa larangan ng beauty pageants iginawad sa Venezuela; Pilipinas, pumangalawa

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 08:07 AM SHARE(S):

Pumangalawa lang ang Pilipinas sa mga bansa nag-perform ng husto sa mga beauty pageant para sa taong 2018.

Ang Valenzuela ang itinanghal na Performer of the Year 2018 ng Missosology.

Nakakuha ang Valenzuela ng overall ranking points na 647.

Naging ambag sa pagiging Performer of the Year ng Valenzuela sa beauty pageants ang pagkakapanalo ng kanilang pambato sa Miss International, 2nd runner-up sa Miss Universe, pagkakasama sa top 30 sa Miss World, top 8 sa Miss Earth at top 10 sa Miss Supranational.

Pumangalawa naman ang Pilipinas na mayroong ranking points na 616. Hindi kasi nakapasok sa top 30 ang pambato ng Pilipinas sa Miss World 2018.

Kung sa buong Asya ang pag-uusapan nangunguna naman ang Pilipinas bilang best performer na bansa sa beauty pageants.

TAGS: Missosology, Performer of the Year, philippines, venezuela, Missosology, Performer of the Year, philippines, venezuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.