Sinulog sinimulan na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 07:27 AM

CDN Photo

Opisyal nang magsisimula ngayong araw ang Sinulog 2019 sa Cebu City.

Inumpisahan ang seremonya sa pamamagitan ng isang prusisyon na magiging hudyat ng pagsisimula ng Sinulog.

Sisimulan na rin ngayong araw ang Novena para sa Fiesta Señor at sa Biyernes, January 18 ang huling araw.

Kasabay ng aktibidad, hinimok naman ng DENR ang mga deboto na maging responsable at huwag

magtapon ng kanilang basura lalo na sa magaganap na grand parade.

Pinayuhan naman ng pulisya ang mga deboto na huwag magsuot ng mga alahas at huwag magdala ng backpack.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-se-selfie sa loob ng Basilica Minore del Sto. Niño.

TAGS: Cebu City, Radyo Inquirer, Sinulog, Cebu City, Radyo Inquirer, Sinulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.