U.S. President Donald Trump, nag-walk out sa pulong kasama ang mga Democrats leader

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 06:59 AM SHARE(S):

Nag-walk out si U.S. President Donald Trump sa ginanap na pagpupulong kasama ang Democratic leaders.

Ang pulong ay kaugnay sa ika-19 na araw na ng government shutdown sa Estados Unidos.

Kasama ni Trump sa nasabing pulong sina Speaker Nancy Pelosi at Senate President Chuck Schumer.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Trump na ‘total waste of time’ ang nasabing pulong.

Ani Trump, tinanong niya sina Pelosi at Schumer kung aaprubahan na ba nila ang hinihinging budget para sa border security pero sumagot umano ng ‘hindi’ si Pelosi.

Dahil dito, sinabi ni Trump na agad na siyang umalis sa naturang pulong dahil wala naman itong kahihinatnan.

TAGS: donald trump, meeting with congress, nancy pelosi, donald trump, meeting with congress, nancy pelosi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.