4 na truck, 1 tanker, nagkarambola sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 06:27 AM SHARE(S):

Maagang naperwisyo ang daloy ng trapiko sa kanto ng Congressional Avenue at Visayas Avenue sa Quezon City.

Ito ay makaraang limang malalaking sasakyan ang nagkarambola, dakong alas 4:57 ng umaga.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, sangkot sa karambola ang isang tanker, elf truck, 6 wheeler truck, 10 wheeler truck at isang dump truck.

Dalawang linya sa westbound lane ng naturang kalsada ang naokupahan ng mga nagkarambolang sasakyan.

Wasak na wasak ang dump truck at dinala sa ospital ang driver nito at kaniyang pahinante matapos magtamo ng sugat.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng MMDA at Quezon City Traffic sa dahilan ng aksidente.

TAGS: accident, multiple collision, quezon city, Radyo Inquirer, accident, multiple collision, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.