Sarah G., napasabak sa pag-dirtbike

By Isa AvendaƱo-Umali January 10, 2019 - 12:09 AM SHARE(S):

Viral ngayon sa social media ang video kung saan ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo ay nagmomotor.

Sa naturang video, makikita si Sarah na may suot na helmet at nag-eenjoy sa pagsubok sa maliit na dirt bike.

Ang nag-introduce nito sa kanya? Walang iba kundi ang kanyang longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli.

At lalong kinilig ang fans ng tinaguriang #AshMatt dahil sa isang litrato kung saan minamaneho ni Matteo ang motor, angkas si Sarah.

Kaya ang kanilang mga tagahanga, naniniwalang #RelationshipGoals ang dalawa.

Natutuwa rin ang fans dahil kapansin-pansin ang madalas nilang paglabas nang magkasama.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.