Pulis patay sa pamamaril sa Quezon City

By Rhommel Balasbas January 10, 2019 - 03:08 AM

Inquirer file photo

Nasawi ang isang pulis sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Marilag, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Venancio Hidalgo.

Ayon sa kwento ng Barangay Secretary na si Patrick Calub, kumakain lamang ang biktima sa isang karinderya nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

Nakita na lamang anya nila na nakahandusay na ang pulis at patakas na ang suspek sakay ng motorsiklo.

Suot ng salarin ang isang orange sweatshirt at full face helmet.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng SOCO, nagtamo ang biktima ng apat na tama ng baril.

Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng kalibre .45 na baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.