Sa press briefing ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar ngayong madaling araw, sinabi nitong isang untoward incident lamang ang naitala mula kahapon.
Isa anyang insidente ng pandurukot ang naitala ngunit agad namang nahuli ang suspek.
Sa pagbabalik ng imahen ng Poong Itim na Nazareno ay wala nang insidente pa ang naitala.
Wala ring nasawi sa Traslacion.
Batay umano sa pagtaya ng NCRPO, mula December 31 hanggang sa araw ng Traslacion, ay umabot sa 4 milyong deboto ang nakilahok sa mga aktibidad.
Sa bilang na ito, 2.5 milyon ang bilang ng mga tao sa Quiapo kahapon kabilang na rin ang mga nakipista o bumisita.
Nauna nang nagpakalat ng 7,200 pulis para bantayan ang seguridad ng Traslacion 2019.
Binigyang pagpupugay ni Eleazar ang kanyang mga tauhan dahil sa naging tagumpay ng itinuturing na isa sa pinakalamaking religious events sa mundo.
Samantala, sinabi naman ni Eleazar na posibleng ang crowd estimate ng PNP sa Traslacion ay maging iba sa pagtaya ng Simbahan.
Bubuo anya ng technical working group ang pulisya sa mga susunod na Traslacion para mas maging maayos ang pagtaya sa bilang ng mga deboto.