Traslacion 2019 generally-peaceful ayon sa NCRPO; apat na milyon nakilahok sa buong pagdiriwang mula Dec. 31

By Rhommel Balasbas January 10, 2019 - 04:30 AM

Maganda at mapayapa ang naging Traslacion ngayong taon ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa press briefing ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar ngayong madaling araw, sinabi nitong isang untoward incident lamang ang naitala mula kahapon.

Isa anyang insidente ng pandurukot ang naitala ngunit agad namang nahuli ang suspek.

Sa pagbabalik ng imahen ng Poong Itim na Nazareno ay wala nang insidente pa ang naitala.

Wala ring nasawi sa Traslacion.

Batay umano sa pagtaya ng NCRPO, mula December 31 hanggang sa araw ng Traslacion, ay umabot sa 4 milyong deboto ang nakilahok sa mga aktibidad.

Sa bilang na ito, 2.5 milyon ang bilang ng mga tao sa Quiapo kahapon kabilang na rin ang mga nakipista o bumisita.

Nauna nang nagpakalat ng 7,200 pulis para bantayan ang seguridad ng Traslacion 2019.

Binigyang pagpupugay ni Eleazar ang kanyang mga tauhan dahil sa naging tagumpay ng itinuturing na isa sa pinakalamaking religious events sa mundo.

Samantala, sinabi naman ni Eleazar na posibleng ang crowd estimate ng PNP sa Traslacion ay maging iba sa pagtaya ng Simbahan.

Bubuo anya ng technical working group ang pulisya sa mga susunod na Traslacion para mas maging maayos ang pagtaya sa bilang ng mga deboto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.