Higit 1M naghintay sa pagbabalik ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church

Umabot sa higit isang milyong deboto ang naghintay sa muling pagbabalik ng Poong Itim na Nazareno sa Basilika ng Quiapo.

Ito ay batay sa pagtaya ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Hatinggabi ng Huwebes, nasa 700,000 katao ang naghihintay sa Quiapo Church habang 390,000 naman ang sumusunod sa Andas ng Poon.

Sinalubong ng palakpak at pagwawagayway ng puting panyo ang pagbabalik ng Itim na Nazareno sa Simbahan.

Inabisuhan naman ang mga deboto na linisin ang kanilang mga kalat bago umalis ng Simbahan,

Read more...