Ombudsman Martires, tikom ang bibig sa umano’y imbestigasyon ng anti-graft body sa Flood Control scam

By Len Montaño January 10, 2019 - 12:11 AM

Hindi kinumpirma o itinanggi ni Ombudsman Samuel Martires ang inanunsyo ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na kasali na rin ang Office of the Ombudsman sa imbestigasyon sa tinatawag na “Flood Control Scam” na ibinibintang kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Sa isang maikling statement, sinabi ni Martires na ang mga isinasagawang imbestigasyon ng Field Investigation Office ng Ombudsman ay “highly confidential in nature.”

Sa naunang pahayag ni Andaya, may ilang imbestigador daw mula sa Ombudsman ang nakipag-ugnayan na sa House Rules Committee para humingi ng kopya ng mga dokumento na nakalap sa congressional hearing sa Naga City kaugnay sa naturang anomalya.

Sinabi ni Andaya na makikipagtulungan daw ang kanyang komite sa Ombudsman para sa mga kinakailangang gawin, lalo na sa imbestigasyon sa isyu sa flood control.

Dagdag ng House leader na sa pagpasok ng Ombudsman sa imbestigasyon ay mahihikayat pa ang Kamara na magsagawa ng mas malalimang pagsisiyasat sa Flood Control projects at iba pang iregularidad sa Department of Budget and Management, sa pamumuno ni Diokno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.