Alab Pilipinas, nakatikim ng unang talo sa ABL Season 9

By Isa Avedaño-Umali January 10, 2019 - 12:38 AM SHARE(S):

Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo ang Alab Pilipinas sa season 9 ng Asean Basketball League o ABL.

Sa dikit na iskor na 72-71, tinalo ng Westports Malaysia Dragons ang Alab Pilipinas sa kanilang larong ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon (January 9, 2019).

Ito ang unang talo ng Alab Pilipinas makalipas ang limang sunud-sunod na panalo sa season. Gayunman, numero uno pa rin sila sa ABL standings.

Pero pangako ng Philippine team, babawi sila sa susunod nilang laban na kontra naman sa Hong Kong Eastern.

Gaganapin ito sa January 11, 2019 sa Sta. Rosas Multipurpose Sports Complex.

At dahil host ang Pilipinas, umaasa ang Alab Pilipinas na magbibigay-suporta ang Pinoy fans.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.