Muling pagpapasabog ng BIFF sa Maguindanao naunsyami ayon sa AFP
Bigo ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na makapaglunsad ng mga bagong pambobomba sa Mindanao ayon sa militar.
Ito ay makaraang madiskubre ng mga tauhan ng Philippine Army ang tatlong improvised explosive devices (IEDs) sa ilang mga lugar sa Maguindanao.
Sinabi ng Major General Cirilito Sobejana, commander of the Army’s 6th Infantry Division na malinaw na gustong guluhin ng BIFF ang nakatakdang plebsito sa rehiyon kaugnay sa panukalang Bangsamoro Organic Law.
Ipinaliwanag ni Sobejana na kahapon ay naka-enkwentro ng kanyang mga tauhan ang ilang BIFF members sa Sitio Landing fish Barangay Sultan sa bayan ng Barongis, Maguindanao.
Mabilis na tumakas ang mga BIFF members pero naiwan nila ang ilang IEDs na gawa mula sa mga bala ng 81 mm mortar.
Plano umano ng nasabing grupo na magsagawa muli ng ilang mga pag-atake sa ilang lugar sa Maguindanao.
Ang BIFF ay binubuo ng ilang mga tumiwalag na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang nasabi ring grupo ang sinasabing nasa likod ng pagpapasabog sa Cotabato City noong bisperas ng bagong taon na nagresulta sa kamatayan ng dalawa katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.