PRC: Bilang ng mga nahilo at sugatan sa Traslacion patuloy na dumarami

By Den Macaranas January 09, 2019 - 04:24 PM

PRC photo

Umakyat na sa 781 na mga deboto ng Itim na Nazareno ang nabigyan ng first aid treatment ng Philippine Red Cross kaugnay sa nagpapatuloy na Traslacion.

Sa nasabing bilang, 554 sa mga ito ang dumanas ng hypertension dahil sa init ng panahon.

Nasa 224 naman ang nagtamo ng ilang sugat sa kanilang mga katawan dahil sa siksikan samantalang ang ilan ay nagtamo ng sugat sa kanilang mga paa.

Sinabi pa sa ulat ng PRC na walong deboto rin ang kailangang isugod sa mga ospital dahil sa hirap sa paghinga samantalang ang iba naman ay may malalaking sugat sa kanilang mga paa dulot ng mga natapakan n abubog at stick.

Samantala, bukas na sa daloy ng trapiko angn bahagi ng Roxas Boulevard na isinara kaugnay pa rin sa prusisyon.

Pasado alas-kwatro ng hapon ay nakatawid na sa Arlegui street ang Traslacion.

Kundi magbabago ang takbo ng andas na kinalulunanan ng Itim na Nazareno, tantya ng ilang mga deboto ay baka alas-dose ng hatinggabi ay maibalik na sa Quiapo church ang nasabing rebulto.

TAGS: Black Nazarene, manila, Philippine red Cross, quiapo, Traslacion, Black Nazarene, manila, Philippine red Cross, quiapo, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.