Mas pinalakas na HIV/AIDS Act pirmado na ni Duterte
Nilagdaan na bilang isang ganap na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.
Laman ng nasabing batas ang mga polisiya kaugnay sa pagsugpo sa pagdami ng mga nahahawa ng HIV/AIDS sa ating bansa.
Sinabi ng Malacañang na inamyandahan ng bagong batas ang Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998 dahil kailangang baguhin ang istratehiya kaugnay sa problema sa pagdami ng mga nahahawa ng HIV/AIDS sa Pilipinas.
Layunin rin nito na mapalawak ang saklaw ng pagbibigay ng impormasyon kung paanong maiiwasan ang nakahahawang sakit gayung rin ang pagtulong sa mga nahawa nito.
Itinataguyod rin ng bagong batas ang pagpapalakas sa karapatan ng mga taong nahawaan na ng HIV/AIDS.
Ayon sa tala ng Department of Health, nadagdagan ng 8,533 ang bilang ng mga nahawaan ng HIV sa bansa sa pagitan sa pagitan lamang Enero hanggang Setyembre ng nakalipas na taon.
Nangangahulugan ito ayon sa DOH na mayroong 32 bagong mga kaso ng HIV infection ang naitatala sa bansa araw-araw.
Kapag hindi naagapan ay nauuwi sa AIDS ang nasabing impeksyon na nagreresulta sa kamatayan ng isan nahawaan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.