Malacañang: Panukalang common cell tower para sa lahat ng telcos tuloy

By Den Macaranas January 09, 2019 - 02:58 PM

Isinasa-pinal na ng pamahalaan ang draft kaugnay sa ilalatag na polisiya para sa cell tower sharing ng mga telecommunication companies sa bansa.

Sinabi ni Presidential Adviser on Economic Affairs Ramon Jacinto na kailangang gawing malinaw ang panuntunan ng pamahalaan sa isyu sa kabila ng legal threats mula mismo sa mga telcos.

Nauna nang sinabi ng opisyal na kailangang madaliin ang pagsasa-ayos ng mga telecom companies ng kanilang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng maayos at mabilis na mobile signal.

Mas magiging mabilis umano kung magkakasundo ang mga telcos sa common tower policy.

Magugunitang ipinanukala rin ng Malacañang ang pagkuha ng third-party tower operators na siyang magtatayo ng dagdag na 50,000 cell towers sa bansa.

Hiwalay pa ito sa higit sa 16,000 cell towers na itinayo ng PLDT para sa Smart at Globe.

Iginiit ng Malacañang na titiyakin nilang magiging ligtas ang sistema sa tulong ng National Security Adviser.

Bago ito ay sinabi ng PLDT at Globe na dapat sisihin ang gobyerno dahil sa dami ng mga requirements na kailangang kunin bago sila makapagtayo ng mga cell towers para mas maging malakas ang kanilang mobile signal.

TAGS: BUsiness, common tower, Globe, Malacañang, pldt, ramon jacinto, Smart, BUsiness, common tower, Globe, Malacañang, pldt, ramon jacinto, Smart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.