May nagkaka-interest sa pwesto ko sa DOLE – Bello

Itinuturing na demolition job ni Labor Sec. Silvestre Bello ang isyu ng korapsyon na ibinabato sa kaniya ng Presidential Anti Corruption Commission o PACC.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bello na wala siyang ibang nakikitang dahilan kundi ang mayroong nakaka-interes sa kaniyang pwesto.

Ani Bello, inaakala siguro ng ilan na ginto ang maging kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Hindi naman tinukoy ni Bello kung sino ang hinala niyang nasa likod ng demolition job.

Una rito, sinabi ni PACC na iniimbestigahan nila si Bello matapos makatanggap ng reklamo laban dito na sangkot sa korapsyon sa mga manpower agency na nagpapadala ng OFW sa ibang bansa.

Read more...