Azkals pinapurihan dahil sa paglilinis ng kanilang locker room sa stadium sa Dubai

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2019 - 11:06 AM SHARE(S):
CTTO

Umani ng papuri ang Philippine Football Team na Azkals matapos iwanang malinis ang kanilang locker room sa Dubai bago umuwi makaraan mabigo sa unang laban nito Asian Cup.

Sa larawan na lumabas sa social media at ipinost ng Gulf News, makikitang malinis at ayos na ayos ang locker room ng Azkals sa Al Nasr Club’s Maktoum Stadium.

Nag-iwan din ng note ang Azkals at nagpasalamat sa Dubai sa pag-host ng Asian Cup.

Ang Azkals ay nabigo sa unang laban nila matapos matalo sa South Korea sa score na 0-1.

Hindi lang Filipino fans ang pumuri sa ginawa ng Azlaks kundi maging ang football fans sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa January 11 ang susunod na laban ng Azkals sa Abu Dhabi kung saan makakasagupa naman nila ang China.

TAGS: Al Nasr Club's Maktoum Stadium, ASIAN Cup, Azkals, dubai, Al Nasr Club's Maktoum Stadium, ASIAN Cup, Azkals, dubai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.