Halos 600 deboto naasistihan ng Red Cross sa nagpapatuloy na Traslacion

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2019 - 10:31 AM

Red Cross Photo

Umabot na sa halos 600 na mga deboto ang naasistihan ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng traslacion.

Ayon kay Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon, as of alas 10:00 ng umaga kanina, 578 na ang naasisitihan sa mga istasyon ng Red Cross.

435 sa nasabing bilang ay nagpacheck ng blood pressure.

Nasa 132 naman ang nagtamo ng sugat, nahirapang huminga, nagalusan, nagkapasa, o ‘di kaya ay nawalan ng malay.

Habang mayroong 8 itinuturing na major cases, tatlo sa kanila ang isinugod sa ospital.

Mayroon ding isang pasyenteng nangailangan ng pyschosocial support.

TAGS: Radyo Inquirer, red cross, Radyo Inquirer, red cross

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.