LOOK: Umabot na sa mahigit 400 katao ang naasistihang deboto ng Red Cross
Patuloy ang pagdating ng mga nasugatan at mga pasyenteng sumasama ang pakiramdam sa mga istasyon ng Philippine Red Cross sa pagpapatuloy ng traslacion ng Itim na Nazareno.
Alas 8:00 ng umaga, sinabi ng Red Cross na umabot na sa 444 ang mga pasyenteng kanilang naasistihan.
Kabilang dito ang 322 na katao na nagpamonitor ng kanilang blood pressure, 108 na pasyente na nahirapang huminga, hinimatay, nagalusan, nagkapasa, at sumakit ang ngipin.
Habang anim naman ang maituturing na major cases, dalawa dito ang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Isang 16 anyos na pasyente rin na mla sa Malabon ang nawalan ng malay habang nasa kasagsagan ng Traslacion pero agad naman itong nalapatan ng lunas.
Isang deboto naman na taga-Caloocan ang inasistihan matapos makaranas ng trauma sa kasagsagan ng prusisyon na dinala din sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.