Panadero arestado matapos mahulihan ng 50 sachet ng marijuana sa Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2019 - 09:45 AM

Aabot sa 50 sachet ng marijuana ang nakuha mula sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Apalit, Pampanga.

Arestado si Marvin Maglalang, 25 anyos at isang panadero, matapos mag-positibo ang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Capalangan.

Ayon sa Apalit Municipal Police Station, 49 na maliliit na sachet ng marijuana at isang malaking sachet ang nakuha sa suspek, kasama ang P300 na buy-bust money.

Si Maglalang umano ang supplier ng ilegal na droga sa lugar.

Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang piangkukuhanan ng ilegal na droga ni Maglalang.

TAGS: apalit pampanga, buy bust, War on drugs, apalit pampanga, buy bust, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.