Obama tiwala na mapagtitibay ng Supreme Court ang EDCA
Kumpiyansa si US President Barack Obama na pagtitibayin ng Supreme Court ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Obama, nauunawaan niya na kailangang dumaan sa pag-aaral ng Mataas na Hukuman ang EDCA pero tiwala siya na ito ay maaprubahan at tuluyang maipatupad.
Gayunman, sinabi ni Obama na treaty ally ng U.S ang Pilipinas at matibay ang kanilang commitment na pag- depensa dito.
Sinabi din ni Obama na malaki ang magiging papel ng EDCA sa Bahagi ng kanilang target na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanilang treaty ally na palakasin ang kapasidad sa defense system, humanitarian work at mapalakas ang koordinasyon ng iba pang mahahalagang aktibidad sa rehiyon.
Sinabi naman ni Pangulong Aquino na malaki ang maitutulong ng EDCA sa pagsasanay ng ating hanay sa paggamit ng mga makabagong kagamitang pangdepensa at makatutulong din aniya sa pagpapatatag ng sitwasyon at pagpapababa ng tensyon sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.