3 menor edad patay matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang traktora sa Digos City

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2019 - 08:06 AM SHARE(S):

Patay ang tatlong menor de edad matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang farm tractor o traktora sa Digos City.

Ayon kay Digos police director Supt. Deozar Almasa, sakay ng Honda na motorsiklo na walang plaka ang tatlong biktima nang banggain nila ang kanang bahagi ng traktora sa kanto ng Digos Diversion Road at San Jose Dawis Road.

Ang driver ng motorsiklo na isa lamang kinse anyos ay sugatan at isinugod sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH).

Habang nasawi ang tatlong angkas nito, dalawa sa kanila ay kinilalang sina Justine Gallarde, 16 anyos at Ronnie Balasbas.

Tumakas naman ang driver ng traktora pero mayroong testigo na nakakuha ng plaka ng sasakyan.

TAGS: accident, digos city, accident, digos city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.