“Oldest person” sa U.S. pumanaw sa edad na 114

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2019 - 07:50 AM SHARE(S):
AP Photo
Pumanaw na sa edad na 114 ang itinuturing na “oldest person” sa Estados Unidos.

Si Leslie Brown na mula sa Ohia ay pumanaw sa kanilang tahanan sa Cleveland Heights.

Noong 2013, sa isang panayam, sinabi ni Brown na God’s will na mabigyan siya ng mahabang buhay.

Ayon sa kaniyang pamilya, araw-araw na kumakain ng kamote si si Brown.

Noong May 2018, ibinalita ng kaniyang pamilya kay Brown na siya na ang “oldest person” sa US.

Si Brown ay ipinanganak noong 1904 sa Georgia at mayroon siyang limang anak.

TAGS: Leslie Brown, oldest person in US, Leslie Brown, oldest person in US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.