Nanumpa na bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (Bucor) si retired Army General Ricardo Rainier Cruz sa Department of Justice (DOJ)
Nanumpa si Cruz kay Justice Sec. Leila De Lima. Si Cruz ay hinirang ni Pangulong Aquino kapalit ng nagbitiw na si Dir. Franklin Bucayu.
Dating commander ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines si Cruz mula 2012 hanggang 2014.
Nagsilbi rin siyang assistant division commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army sa Mindanao mula 2011 hanggang 2012.
Martes ng hapon isasagawa ang turnover ceremony sa New Bilibid Prisons para sa opisyal na pag upo ni Cruz bilang bagong hepe ng Bucor.
Nangako naman si Cruz na aalisin ang VIP treatment sa mga High profile na mga inmates sa bilibid.
Inamin ni Cruz na ang hindi patas na pagtrato sa mga preso ang ugat ng problema ng droga sa bilibid at pagpasok ng mga luxury items gaya ng mga LED TV, Aircon at mga mamahaling gadgets.
Binilinan naman ni De Lima si Cruz nag awing drug free ang bilibid. Kumpiyansa si De Lima na maipatutupad ni Cruz ang paglilinis ng sistema sa Bucor. / Ruel Perez