Pambato ng Pilipinas wagi sa Miss Tourism World 2019 Intercontinental Final

Photo: Missosology

Itinanghal bilang Miss Tourism World 2019 Intercontinental ang pambato ng Pilipinas na si Francesca Taruc.

Ang pageant ay idinaos kagabi sa Nanjing, China.

Maliban sa naiuwi ang korona ay ginawaran din si Taruc ng Best Body Special Award.

Si Taruc ay tubong Pampanga.

Itinanghal namang 1st runner-up ang pambato ng Tatarstan at 2nd runner-up ang pambato ng Ukraine.

Read more...