BREAKING: Mag-asawa at dalawang anak, patay sa sunog sa Marikina

By Dona Dominguez-Cargullo, Rose Cabrales January 09, 2019 - 05:50 AM

Apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi sa sunog sa Barangay Sto. Niño, Marikina sa Marikina City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Fire Officer 3 Amalia Bartolome, nagsimula ang sunog alas 2:52 ng madaling araw sa Divino Street na umabot lang ng unang alarma.

Kinilala ni Bartolome ang mga nasawi na sina Romas Sumaid, 27 at Lendalyn Rose Reyes Sumaid, 27 – mag-asawa; at kanilang dalawang anak na sina Kaizer Lee Reyes Sumaid, 6; at Faye Reyes Sumaid, 3.

Pasado alas 3:00 ng madaling araw nang ideklarang under control ang sunog.

Maliban sa bahay ng pamilya Sumaid, tatlong iba pang bahay ang nadamay din sa sunog.

Patuloy pa ang imibestigasyon sa insidente.

TAGS: fire incident, Marikina City, fire incident, Marikina City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.