3 patay sa sunog sa Parañaque City

Patay ang tatlong katao sa sunog na naganap sa Paranaque City kahapon (Jan. 8) ng hapon.

Ayon kay Fire Officer 1 Luvim Rey, isa sa mga biktima ang nakilala na si Maria Jocelle Maglakas, 25 anyos.

Umabot sa 50 bahay ang nasunog at 120 pamilya ang naapektuhan.

Nagsimula ang sunog alas 2:49 ng hapon sa Daang Batang, Barangay Moonwalk na agad iniakyat sa ikaapat na alarma.

Naideklarang fire out ang sunog pasado alas 5:00 ng hapon.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...