Andas ng Itim na Nazareno nagsimula nang umusad
Umusad na ang andas ng Itim na Nazareno para sa pagsisimula ng prusisyon.
Alas 5:04 ng umaga nang ilipat ang Poong Nazareno sa andas nito sa bahagi ng Quirino Grandstand at alas 5:08 ng umaga ay umandar na ang andas.
Galing Grandstand kakaliwa ang andas sa Katigbak Drive at sa Taft Avenue para makadiretso sa Jones Bridge.
Alas 2:00 ng madaling araw kanina, umabot na sa 280,000 ang crowd estimate ng Manila Police District na mga debotong nakikiisa sa Traslacion.
Alas 12:00 ng hatinggabi nang umpisahan ang High Mass na pinagunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Sa bahagi naman ng Quiapo Church kung saan mayroong idinaraos na oras-oras na misa ay nasa 15,000 ang bilang ng mga deboto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.