Dating pulis at 3 iba pa, arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas January 09, 2019 - 03:46 AM

Contributed photo

Hihimas ng rehas ngayon ang isang dating pulis at tatlo pang lalaki matapos mahuli sa buy bust operation ng Batasan Police sa Barangay Payatas, Quezon City kagabi.

Nakilala ang AWOL na pulis na si Ferdinand Salvador, 55 anyos na natanggal sa serbisyo taong 1996.

Ang tatlong iba pa ay nakilalang sina Allan Nacbuan, 47 anyos; Joel Nalayog, 32 anyos; at Michael Trinidad, 37 anyos, pawang mga residente ng Barangay Payatas.

Nakuha sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 na buy bust money at isang balisong.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 bukod pa sa City Ordinance 5121 na haharapin din ng pulis dahil sa patalim na nakuha sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.