3 gang members timbog sa buy bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas January 09, 2019 - 12:16 AM

Contributed photo

Naaresto ng pulisya ang tatlong miyembro ng isang ‘Gang’ sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na pawang mga miyembro ng ‘Bahala na Gang’ na sina Noli Felizardo, 34 anyos; Reynaldo Masanque, 30 anyos; at Leonardo Neri, 50 anyos.

Ang mga suspek ay pawang mga residente ng Cubao.

Napag-alamang kabilang sa drug watchlist sina Masanque at Neri.

Naaresto na rin si Neri dahil sa droga ngunit napalaya noong May 2018 dahil sa Plea Bargaining.

Nakuha sa tatlo ang 17 plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money at perang nagkakahalaga ng P300.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.