MMFF 2018 nagtala ng bagong box office record
Naging matagumpay ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) matapos itong gumawa ng bagong box office records.
Ayon sa artikulo na isinulat sa PEP ni 2018 MMFF spokesperson at Radyo INQUIRER anchor Noel Ferrer, umabot sa P1.060 billion ang kinita ng film fest.
Mas mataas ito sa kinita ng 2017 edition ng festival at maging sa 2015 record na P1.050 billion.
Nalampasan ang P1.050 billion na record mismong sa huling araw ng film fest noong January 7.
Ayon sa PEP, batay sa unofficial records ng theater distributors, nanguna ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica na kumita umano ng higit P500M.
Sinundan ito ng Jack Em Popoy, Aurora at Mary, Marry Me.
Samantala, mula sa pagiging kulelat noong unang dalawang araw ng film fest, naging panglima na ang Rainbow’s Sunset na humakot ng awards.
Pang-anim naman ang One Great Love na sinudan ng The Girl in the Orange Dress at kulelat ang Otlum.
Samantala, masayang inanunsyo ni MMDA Chairman Danilo Lim na karamihan sa mga pelikula ay patuloy pa ring mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa.
Sa susunod na taon anya ay ipagdiriwang ang 100 taon ng Philippine Cinema kasabay ng ika-45 MMFF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.