13 patay sa winter storm sa Europe

By Rhommel Balasbas January 09, 2019 - 12:06 AM

AP photo

Patuloy ang pagbagsak ng makakapal na niyebe sa Europa na pinangangambahang magparami pa sa bilang ng nasawi.

Umabot na sa 13 ang namatay sa rehiyon dahil sa winter na nagdulot na rin ng kanselasyon ng maraming flights.

Sa Romania, umabot sa -34 degrees Celsius ang temperatura kung saan natagpuan ang isang malamig na bangkay ng isang 67 anyos na lalaki sa southern city of Slatina.

Sa Norway naman, apat katao ang pinaniniwalaang nasawi matapos tumama ang winter storm sa city of Tromsoe.

Hindi pa maipagpatuloy ang paghahanap sa apat dahil zero visibility sa lugar bunsod ng makapal na buhos ng niyebe.

Sa Austria, daan-daang residente ang hindi makalabas ng kanilang bahay dahil puno ng niyebe ang mga kalsada at kasalukuyan ding nararanasan ang power outages.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.