Oras-oras na misa sa Quiapo Church, nagsimula na

By Rhommel Balasbas January 09, 2019 - 03:50 AM

Unti-unti nang kumakapal ang bilang ng mga mananampalataya sa Quiapo Church.

Ito ay dahil nagsimula na ang oras-oras na misa para sa Pista ng Itim na Poong Hesus Nazareno.

Sa pinakahuling tala ng Manila Police District, nasa 8,500 na ang deboto sa Quiapo Church.

Ang unang misa ngayong araw ay pinangunahan mismo ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Sentro ng homilya ng obispo ang kaligtasang dulot ni Hesukristo sa sanlibutan.

Magpapatuloy ang oras-oras na misang ito hanggang sa makabalik ang Itim na Nazareno sa simbahan.

Inaasahang milyong katao ang dadalo sa mga misa sa buong araw.

Sa pagtaya ng Church Authorities, makababalik ang imahen alas-2:30 ng madaling-araw ng Huwebes.

TAGS: Poong Hesus Nazareno, Quiapo Church, Traslacion 2019, Poong Hesus Nazareno, Quiapo Church, Traslacion 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.