M4.2 na lindol, tumama sa Calayan, Cagayan

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Calayan, Cagayan alas-10:29 ngayong gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 34 kilometro Timog-Kanluran ng Calayan.

Tectonic ang dahilan ng lindol na may lalim na 20 kilometro.

Naitala ang instrumental Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Hindi naman inaasahan na magkakaroon pa ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...