Panukalang gawing special non-working holiday ang petsa ng Feast of Black Nazarene, inihain sa Kamara

By Len Montaño January 08, 2019 - 09:54 PM

Inquirer file photo

Inihain sa Kamara ang panukalang batas na magdedeklara sa January 9 ng kada taon bilang special non-working holiday sa buong bansa bilang selebrasyon ng pista ng Itim na Nazareno.

Sa ilalim ng House Bill 8812 na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, magkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga sasama sa mga aktibidad ng pista ng Poong Nazareno.

Ayon kay Vargas, ang Feast of Black Nazarene ang isa sa mga pinakamalaking religious celebrations sa bansa na ang Traslacion ay ginagawa hindi lang sa Maynila kundi sa iba pang bahagi ng bansa gaya sa Cagayan De Oro, Samar at ibang lalawigan.

Layon din ng panukalang batas na gawing maayos ang koordinasyon sa public sector para sa peace and order at kaligtasan ng mga deboto ng Itim na Nazareno.

Kapag naging batas, kailangang tumulong ang ilang ahensya ng gobyerno sa Traslacion at iba pang event sa pista ng Poon.

TAGS: alfred vargas, Black Nazarene, special non-working holiday, alfred vargas, Black Nazarene, special non-working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.