Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mayroong limang araw ang mga disqualified senatorial candidates para maghain ng apela.
Ito ay matapos anyang magkaroon na ng ruling ang Comelec sa disqualification ng mahigit 70 senatorial aspirants.
Ang hinihintay na lang anya ay ang tinatawag na Certificate of Finality.
Paliwanag ni Jimenez, bawat desisyon ukol sa diskwalipikasyon ay binibigyan ng 5 araw para umapela ang kaukulang panig.
Samantala, mula sa 182 ay bumaba na sa 154 ang listahan ng mga Partylist groups na sasabak sa May 13 midterm elections.
Patuloy anyang mababawasan ang bilang dahil nasa proseseso pa rin ang poll body ng deliberasyon.
Ilalabas ng Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato sa national at local positions bago ang January 23.