SC hindi naglabas ng TRO kontra Bangsamoro Basic Law

By Jan Escosio January 08, 2019 - 04:32 PM

Radyo Inquirer

Tuloy na ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa darating na January 21, 2019.

Ito’y makaraang hindi maglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa implementasyon ng batas.

Inanunsyo ni Supreme Court Spokesperson at Court Administrator Jose Midas Marquez na dahil walang TRO, ang plebesito ay isasagawa sa nabanggit na petsa.

Inatasan naman ng Mataas na Hukuman ang Ehekutibo at ang Kongreso na maghain ng komento ukol sa mga petisyon laban sa BOL, sa loob ng sampung araw.

Isa sa mga petisyon ay mula sa lalawigan ng Sulu habang ang isa pa ay inihain ng Philippine Constitution Association o Philconsa.

Ang dalawang petisyon ay na-consolidate na.

Nauna nang sinabi ng Commission on Elections o Comelec na handa na sila sa plebesito para sa BOL.

TAGS: bangsamoro basic law, plebesito, Supreme Court, tro, bangsamoro basic law, plebesito, Supreme Court, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.