Mga naka-apak welcome sumakay sa LRT-2 bukas

By Isa Avendaño-Umali January 08, 2019 - 04:02 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng pamunuan ng Light Rail Transit na kanilang pasasakayin sa mga tren ng LRT-2 ang mga naka-apak na deboto ng Poong Itim na Nazareno.

Ito ay kasabay ng inaasahang buhos ng mga pasahero sa pista ng Black Nazarene, lalo na bukas (January 9, 2019).

Sa isang abiso, sinabi ng LRT-2 na i-a-accommodate nila ang mga mananakay na deboto na walang suot na sapatos o anumang sapin o saplot sa paa.

Tuwing pista ng Poong Itim na Nazareno, karaniwan nang “barefoot” o naka-apak ang mga deboto.

Pero sinabi ng LRT-2 na kanilang mahigpit na paiiralin pa rin ang “No Inspection, No Entry” policy, kaya sana ay maunawaan daw ito ng mga pasahero.

Regular naman ang train service operations ng LRT-2, na may rutang Santolan-Recto vice versa.

TAGS: Black Nazarene, LRT 2, passenger, Traslacion, Black Nazarene, LRT 2, passenger, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.