Bahagi ng Victory Mall sa Caloocan City nasunog

Photo: @Nicolocco0523

Nasunog ang bahagi ng isang fast food chain sa Victory Mall, Caloocan city, dakong 1:38 ngayong hapon.

Hindi naman apektado ang operasyon ng mall sa kabila ng sunog na umabot ng unang alarma at kaagad rin naapula makalipas ang ilang minuto.

Pero nabalot ng usok ang ilang bahagi ng mall, batay sa ilang mga taong nasa loob ng building kaya nagpanic ang ilang nasa loob.

Ayon sa mga otoridad, ilang beses nang nagkaroon ng insidente ng sunog sa naturang mall.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan at halaga ng pinsala ng sunog.

Read more...